Happy LP sa lahat ng kasapi ng Litratong Pinoy. Huwebes na naman at ang ating tema para sa araw na ito ay plastik. Ang plastik ay mga bagay na mula sa synthetic o semisynthetic na materyal na nahuhurma. Sa ating mundong ginagalawan tayo ay napapalibutan ng mga plastic na bagay. Silipin din natin ang lahot ng ibang myembro ng LP dito.
Ang aking unang lahok ay ang bag na plastik ng aking kabiyak. Yan ang ginagamit niya kung siya ay pumupunta sa swimming pool sa isang hotel malapit sa aming lugar. Dalawang beses sa isang araw siyang nagswiswimming upang mabawasan ang kanyang timbang.
Ang mga basyo ng boteng plastik at plastik bag ang pangalawa kong lahok. Dito sa Alemanya, upang makatulong sa inang kalikasan, karamihan sa mga bote ay may pfand o deposito na tinatawag upang makolektang muli at hindi nakakalat sa mga kalye. Kung may deposito nga naman ang bote, obligado mong ibalik ito dahil sayang din ang 25 cents na deposito o 15 pesos sa pera natin.
Ang mga plastik na bagay dito ay iniipon at inilalagay sa isang dilaw na plastik. Ang mga ito ay nirerecycle upang mapakinabangang muli. May takdang petsa ang pagkolekta sa mga bagay na ito gayon din sa papel at mga basura.
At higit sa lahat ang pinakaimportanteng bote ng buhay, ang plastik feeding bottle na hawak ng aking cute na apo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment