Wednesday, February 17, 2010

Litratong Pinoy- Mantsa (Stain)

Happy LP ulit sa lahat ng kasapi ng Litratong Pinoy. Ang tema natin para sa araw na ito ay mantsa/batik sa ating wika, specks/stain sa wikang Ingles at flecken sa wikang aleman. Huwag din nating kaligtaang bisitahin ang lahok ng aking mga ka-LP dito.

Kami ay nakapagpasya ng magretiro sa Pilipinas pagdating ng panahon kung kaya't kami ay nagpagawa ng munting tahanan sa ating bansa. Karamihan sa aming mga gamit ay naipadala na sa Pilipinas at ang mga naiwan dito ay pawang mga luma na. Katulad na lamang ng aming plantsahan o tinatawag din nating kabayo na may mantsa, ganon din ang aming lumang plantsa at ang stained t-shirt na pantrabaho ni Dirk kapag siyay naglilinis ng aming hardin.



May mantsa din sa aming dining table mabuti na lamang at sa plastic na nakacover napunta ang batik o spot

No comments:

Post a Comment