Ang aking lahok ay ang mga supling ng aking mga kaibigan at kamag anak na may asawa ring Aleman dito. Sadyang napakaganda ng bunga ng kanilang pagmamahalan. Makikita talaga ang likas na kagandahan bagama't may dugong banyaga, litaw pa rin talaga ang angking gandang Pinay.


May lahi man o wala, ang mga batang ito ay likas ang pagiging bata, kapag nagkasama sama ay nagkakaintindihan.
Likas rin sa ating mga tao anuman ang kulay ng balat na kapag naglalakad sa isang pampublikong lugar at may nakitang kaibigan, ay talagang hihinto at magkukumustahan.
No comments:
Post a Comment